-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sumuko na sa gobyerno ang isang medic ng rebeldeng grupong New People Army (NPA) sa Cabadbaran City nitong nakalipas na araw.

Kinilala ni Brigadier General Romero Caramat Jr., Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 13 ang sumukong si alias “Clear”, 23-anyos, miyembro ng Sentro de Grabedad 21 North Eastern Mindanao Regional Command (NEMRC).

Kasama sa listahan ng Periodic Status Report (PSR) ang naturang rebelde na sumuko sa Cabadbaran City Police Station sa pakikipag-ugnayan naman ng 65th IB, Philippine Army.

Ayon kay Brigadier General Caramat, resulta ito sa patuloy nilang panawagan sa Communist Terrorist Group (CTG) na bumalik na sa gobyerno.