Arestado ang isang hinihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa bahagi ng Katipunan, Quezon City.
Nakilala ang naarestong NPA member na si Juan Alexander Reyes alyas Bob, 47, na nahaharap sa kasong arson sa Agusan del Norte.
Ayon kay CIDG NCR chief S/Supt. Eliseo Matta, nasa kustodiya ng kanilang tanggapan ang nahuling suspek.
Itinanggi naman ni Reyes na siya ay miyembro ng NPA at igniit na aktibista lamang siya.
Si Reyes ay naging lider ng “Sandigang Manggagawa sa Quezon City,” “Bayan” at dating myembro ng grupong “Courage” at isa sa mga nanawagan na itigil ang kontraktwalisayon.
Nakuha umano sa posisyon ni Reyes ang isang kalibre .38, mga bala at tatlong metro ng cable.
Isinailalim na sa inquest proceeding at sinampahan ng kasong illegal possesion of explosives at comprehensive firearm and ammunition regulation act si Reyes.