-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Kapwa naka-isolate bagamat sa magkahilaway na pasilidad ang ilang arestadong sakop ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tropa ng 88th IB,Philippine Army na unang nagkasagupaan sa Barangay Mabuhay,San Fernando,Bukidnon.

Ito ay matapos positibo ng COVID-19 ang isa sa apat na napatay na NPA members at nakahawa ito sa pito pang kasamahan dahilan na agad inihiwalay ang ilang sa mga sundalo at iniligay sa isolation facility habang inaatay ang resulta ng kanilang RT-PCR at antigen tests.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inahayag ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Francisco Garello Jr na unang pagkakataon ito na expose ang kanilang tropa sa bayrus pagkatapos ng engkuwentro laban sa mga rebelde.

Sinabi ni Garello na isa sa mga positibong rebelde ay isinailalim pa sa operasyon dahil na rin sa natamo na sugat kaya naka-confine sa Camp Evangelista Station Hospital ng Cagayan de Oro City.

Magugunitang sa sunod-sunod na engkuwentro sa Bukidnon noong nakaraang linggo,lima ang nasawi sa mga rebelde,14 ang arestado at 16 na assorted firearms ang nakompiska habang dalawang sundalo naman ang sugatan.