ILOILO CITY – Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nahuli ng otoridad matapos ang engkwentrong naganap sa Sitio Bumbong, Brgy. Masaroy, Calinog, Iloilo.
Ang nahuling NPA member ay kinilalang si alyas Fernan, residente ng nasabing lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Col. Joel Benedict Batara, commanding officer ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, sinabi nito na hindi bababa sa 10 miyembro ng 3rd Platoon Central Front Komiteng Rehiyon Panay na pinamumunuan ni Alyas Tonying ang nakasagupa ng militar.
Ayon kay Batara, si Alyas Fernan mismo ang umamin na siya ang nagsisilbing fiance at logistics officer ng NPA.
Nakuha sa encounter site ang samu’t-saring mga armas kagaya ng caliber 30 na grenade, M79 granade launcher, 12 guage shot gun, caliber 38 revolver, apat na rifle grenade at rounds ng 40MM para sa M203 grande launcher.
Sa nasabing sagupaan, posible ayon kay Batara na mayroong namatay o nasugatan sa panig ng rebelde at wala namang casualty sa panig ng militar.