CENTRAL MINDANAO- Nahuli ng mga otoridad ang isang myembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Jhonel Amada Navales alyas Jun Navales, 40 anyos, may-asawa,k asapi ng Guerilla Front Committee 53 at residente ng Purok 2 Barangay Inac Magpet North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Magpet PNP base sa inilabas na warrant of arrest ng korte sa kasong murder at 11 counts of frustrated murder.
Itinuturong sangkot sa roadside bombing si Navales sa Purok Kabisig, Brgy Poblacion Magpet Cotabato.
Matatandaan na nasawi sa pambobomba si PO1 Christopher Anadon at ikinasugat naman ng iba pang kasama nito na mga miyembro ng Cotabato Police Mobile Force Company ng CPPO.
Ang suspek ay nakapiit ngayon sa costudial facility ng Magpet PNP at nakatakdang ipresenta sa korte.