-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro laban sa militar sa Barangay Malasibog, Escalante City kaninang madaling araw.

Sa inisyal na impormasyon, naengkwentro ng isang platoon ng Alpha Company ng 79th IB ang mga miyembro ng rebeldeng grupo habang sila ang nagsasagawa ng strike operation.

Pagkatapos ng engkwentro, isang rebelde ang patay habang dalawa naman ang naaresto ng mga militar.

Na-recover sa encounter site ang dalawang caliber .45 pistol, limang cellphones, isang multicap na kulay maroon, hard drive at mga supersibong dokumento.

Sa ngayon patuloy pa ang hot pursuit operation ng militar.