Napigilan ng militar ang planong pag-atake ng komunistang New Peoples Army (NPA) matapos isumbong ng mga sibilyan ang presensiya ng mga rebelde sa kanilang barangay.
Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang pito ang arestado kung saan isa dito ang sugatan sa ikinasang magkahiwalay operasyon na pinangunahan ng mga tropa ng 10th Infantry Battalion kasama ang 2nd PNP Mobile Force Company sa Barangay Bagacay at Cogon sa Ozamiz City kaninang alas-5:50 ng umaga, August 25,2019.
Ayon kay newly-installed 10th IB commanding officer Lt. Col. Ray Tiongson naganap ang unang sagupaan ng rumisponde ang mga tropa sa ulat ng mga residente dahil sa presensiya ng komunistang NPA sa Barangay Bagacay.
Naganap ang pangalawang enkwentro ng maglunsad ng hot pursuit operations ang mga sundalo at pulis sa Barangay Cogon.
Sinabi ni Tiongson narekober mula sa posisyon ng komunistang rebelde ang isang M16 rifle, 4 caliber .45 pistol, 7 hand grenades, tatlong motorcycles, improvised explosive components at mga pagkain.
Dalawang sundalo ang nasugatan sa labanan na agad namang dinala sa pinakamalapit na hospital para sa medical treatment.
Dinala rin sa hospital ang sugatang NPA member, habang isinailalim sa medical check-up ang anim pang iba bago tinurn-over sa kustodiya ng PNP.
Ayon naman kay 102nd Brigade Commander Col. Leonel Nicolas, ang nasabing enkwentro ay dahil sa collaboration ng mga sibilyan at mga stakeholders.
Iniimbestigahan na rin sa ngayon ng PNP-SOCO ang insidente.
Tiniyak naman ni Tiongson na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa mga barangay officials sa lugar para matiyak ang seguridad ng mga sibilyan sa lugar.
Si Tiongson