CAGAYAN DE ORO CITY – Iniwanan na wala ng buhay ng mga tumakas na combatants ng Guerilla Front Huawei ng Sub-Regional Committee 1 ng North Central Mindanao Regional Command ng CPP-NPA ang kanilang kasamahan matapos napuruhan sa ilang minuto na engkuwentro sa Barangay Mimbuli,Salay,Misamis Oriental.
Ito ay matapos natunton ng 58th Infantry Batallion,Philippine Army troopers ang bangkay ng isang Elly Marianas Cabusog alyas Dariel sa encounter site at kalaunan ay natuklasan na residente sa Sitio Salahon,Barangay Alipuaton sa katulad na bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lt Col Ricky Canatoy,commader ng 58th IB,Philippine Army na nagsagawa sila ng pagresponde kaugnay sa napaulat na panghihingi umano ng pagkain at pananakot ng mga rebelde kaya nagresulta sa ilang minuto na bakbakan.
Sinabi ni Canatoy na habang ginawa na ng tropa ang pag-clearing operation ay tumambad sa kanila ang nakahandusay ng katawan ni Cabusog katabi ang M-16 armalite rifle.
Nakubkob rin ng militar sa bahagi ng encounter site ang personal na kagamitan at medical paraphernalia na naiwan ng mga tumakas na rebelde.
Bagamat itinanggi ng AFP na mayroon silang kasamahan na nasagutan sa kasagsagan ng engkuwentro.
Sa ngayon,tuloy-tuloy ang pursuit operation ng militar laban sa mga tumakas na kasamahan ni Cabusog mula sa pinangyarihan ng engkuwentro.