Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ng makasagupa ng mga sundalong Army dakong alas-5:30 ng umaga kanina, Linggo, May 21,2017 sa may Sitio If-If, Barangay Cambunang, Bulalacao, Oriental Mindoro.
Ayon kay 2nd Infantry Division Spokesperspon. Lt Xyzon Meneses na nagsasagawa ng combat patrols ang mga operating troops ng Scout Platoon, HHC ng Philippine Army’s 4th Infantry Battalion ng makasagupa ng mga ito ang nasa 10 rebeldeng NPA na pinaniniwalaang miyembroo ng Platoon Olip, KLG, Roque.
Umigting ang limang minutong labanan na naging dahilan sa pagkasawi ng isang miyembro ng NPA.
Wala namang naiulat na casualties sa hanay ng militar.
Sinabi ni Meneses na matapos ang labanan tumakas ang mga rebeldeng NPA sa iba’t ibang direksiyon at iniwan ang kanilang namatay na kasamahan.
Tinutukoy na sa ngayon ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde.
Nakarekober din ang militar ng isang 9mm pistol, 9 na 9mm live ammunitions, 2 magazines ng 9mm, 1 hand grenade at iba’t ibang mga uri ng mga bala.
Pinuri ni 2nd ID Commanding General MGen. Rhoderick Parayno ang mga tropa dahil sa matagumpay na operasyon.
Hinimok din ni Parayno ang mga rebeldeng NPA na sumuko na lamang sa pamahalaan dahil hindi na sila sinusuportahan ng komunidad.
Tiniyak ni Parayno na hindi titigil ang militar sa pagtugis laban sa rebeldeng grupo lalo na kung patuloy ang mga ito sa paghasik ng karahasan.
“It would be best if they live in peace, be counted as productive citizensm and enjoy the friuts of a developing community,” mensahe ni Parayno.