-- Advertisements --
President Duterte
President Duterte

Wala umanong tulong na aasahan mula sa gobyerno ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naapektuhan ng lindol, partikular sa Eastern Samar.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, may impormasyon siya umanong nabaon ang ilang NPA sa Samar dahil sa lindol pero hindi mag-aaksaya ng panahon at hindi gagastos ang gobyerno para mailigtas ang mga ito.

Ayon kay Pangulong Duterte, galit siya sa mga rebelde at pababayaan niya lamang sila doon.

Sa briefing ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Deputy Ditector Bartolome Bautista, ini-report nito sa Pangulong Duterte ang naganap na lindol sa Eastern Samar at wala umanong gaanong napinsala dahil malalim ang paggalaw ng lupa mula sa Philippine Trench.

“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Gagastos lang ako sa mga putang ina. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you,” ani Pangulong Duterte.