CAGAYAN DE ORO CITY – Humihina pa umano ayon sa militar ang kilusan ng CPP-NPA-NDF na nasa likod ng ilang mga kaguluhan sa Northern Mindanao at karatig rehiyon ng Mindanao.
Ito ay matapos sunod-sunod na sumuko ang siyam na kasapi nito sa tropa ng 58th Infantry Batallion, Philippine Army na nakabase sa Barangay Poblacion, Claveria, Misamis Oriental.
Inihayag ni Lt Col Ricky Canatoy, commander ng 58th IB na ang pagkasuko ng ilang mga miyembro ng rebelde ay patunay na hindi na epektibo ang mga propaganda ng mga komunista kaya sunod-sunod sila na tinalikuran.
Sinabi ni Canatoy na bilang patunay umano ng mga rebelde na itinakwil na nila ang armadong pakikibaka kontra sa gobyerno ay isinumbong at itinuro ng mga ito ang mga baril nila na inilibing sa mga damuhan.
Kabilang sa mga baril ay isinuko ng mga rebelde ay 10 klase-klaseng uri ng baril na kinabilangan ng walong AK47 rifles, M653 rifle at M16 rifle.
Mismo rin si 4th ID commanding officer Brig Gen Romeo Brawner Jr ang mainit na tumanggap sa mga nabanggit na mga baril sa mismo sa headquarter ng 58th IB kaninang madaling araw.
Nakatakda rin ang mga ito na ipasok Enhanced Comprehensive Local Integrated Program upang makapagsimula na sila ng kanilang panibagong pamumuhay mula masalimoot nito na kalagayan sa bundok.