DAVAO CITY – Nilinaw ng 1001st Agila Infantry Division na hindi pa maikonsiderang inmate ang notorious CTG Leader na si Eric Jun Casilao sapagkat hindi pa ito naiharap sa korte.
Ayon kay 1001st Agila Division spokesperson Major. Mark Anthony Tito, hindi pa pwedeng ilagay sa detention cell ang naturang CTG leader sapagkat hindi pa ito convicted sa patong-patong na kasong kinakaharap. Kagaya nalang ng Murder, Serious Illegal Detention, Kidnapping at attempted murder.
Sa ngayon aniya ay nasa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group kon CIDG dito sa lungsod si Casilao habang hinihintay pa nila ang schedule sa pagpresenta kay Casilao sa korte.
Inihayag din ni Major Tito na nadakip si Casilao sa Malaysia dahil sa kasong falsification of documents na nagresulta sa pagka deport nito dito sa bansa.
Narito ang pahayag ni Major. Mark Anthony Tito.
Samantala, patuloy naman na pinaghahanap ng otoridad ang asawa ni Casilao na kasamahan din umano nito sa loob ng makakaliwang grupo.