-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga sundalo ang isang kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang suspek na si Toyang Sikel Sanong,32 anyos,may asawa at myembro ng extortion group ng Daguma Operations Command- Far South Mindanao Region.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na nagsagawa ng entrapment operation ang tropa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army katuwang ang pulisya sa Barangay Pag-asa Kalamansig Sultan Kudarat.

Nang akma nang tanggapin ng suspek ang extortion money ay doon na ito hinuli.

Nanghihingi umano ng campaign fee ang grupo ni Kumander Cielo Dela Vega ng NPA kay Ronan Eugene Garcia na tumatakbong alkalde sa bayan ng Kalamansig.

Inamin naman ni Sanong na sya ay kasapi ng NPA at tauhan ni Kumander Cielo.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Kalamansig PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.