Ibinunyag ngayon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakakaranas ngayon ng tactical defeat ang buong organisasyon ng New Peoples Army (NPA).
Ito ay kasunod sa mga serye ng operasyon na inilunsad ng militar laban sa rebeldeng grupo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na ito ay batay sa mga tinamong casualties sa hanay ng rebeldeng grupo, mga narerekober na mag armas at pagsuko ng ilang miyembro sa pamahalaan.
Batay sa datos ng AFP, simula ng alisin ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF at pagtigil sa usaping pangkapayaan nasa anim na rebelde na ang nasawi nasa 12 ang naaresto habang higit sa 14 naman ang sumuko.
Nasa 19 naman na mga baril ang narekober ng militar.
Inihayag din ni Arevalo na tatlong sibilyan din ang nasawi, apat ang nasugatan, apat din ang dinukot.
Sa panig ng militar may nasawi din na sundalo, anim na sugatan habang tatlo pa ang nasa kamay ng rebeldeng NPA.