CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa engkwentro ng militar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay 37th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel John Paul Baldomar na habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan ay nakasagupa nito ang tinatayang nasa 10 mga rebelde sa pamumuno ni Joseph Longan alyas Michael, Commander ng Platoon Beijing, SRC Daguma, FSMR sa Sitio Lantong, Barangay Sangay, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Umabot sa kalahating oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig.
Agad namang umatras ang mga rebelde at iniwan ang nasawi nilang kasamahan.
Narekober ng mga sundalo ang dalawang M14 rifles, isang 5.56mm Bushmaster Rifle at tatlong backpacks na may mga personal na kagamitan.
Sa ngay on ay nagpapatuloy ang pagtugis ng 37t h IB sa mga NPA na kanilang nakasagupa sa bayan ng Kalamansig.