-- Advertisements --
242078397 4400978193271154 8588415872246016055 n

BUTUAN CITY – Nilalamayan na ang bangkay ng isang rebeldeng New People’s Army (NPA) na natamaan sa 15 minutong engkwentro sa pagitan ng pulisya at mga tauhan ng 65th Infantry Battalion (65IB).

Pinangunahan ni Police Lt. Philip Marcos sa Brgy. Bugsukan sa Butuan ang naturang operasyon.

Nakilala ang napatay na si alyas “Jimboy” na nakunan ng tatlong high-powered firearms na kinabibilangan ng dalawang mga M16 armalite rifles kasama ang magazine at isang M203 40MM grenade launcher.

Malaki ang pasasalamat ni Lt. Col. Emerson De Vera, Commanding Officer ng 65th IB sa tagumpay ng kanilang puwersa laban sa mga terorista nitong rehiyon.