KORONADAL CITY – Kagagawan umano ng mga rebeldeng NPA ang panibagong landmine explosion sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, posibleng ibinaon ng mga myembro ng Platoon West Guerilla front Musa ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army ang sumabog na landmine sa bulubunduking bahagi ng Barangay T’kunnel Lake Sebu, South Cotabato.
Pinamumunuan umano ni alias Billy ang nasabing rebeldeng grupo.
Napag-alaman na sumabog ang landmine may sampung metro mula sa tropa ng pamahalaan habang pabalik na sa kanilang patrol base matapos magpatrolya sa lugar.
Wala namang nasugatan sa naganap na landmine explosion.
Nguit, naarekober sa isinagwang clearing operation sa lugar ang isang hindi pa sumabog na improvised explosive device o IED.
Sa ngayon, hinigpitan pa ng pulisya ang seguridad sa bayan dahil sa panibagong pagsabog.