CENTRAL MINDANAO-Idineklarang “persona non grata†ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong hukbong New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Cirilito Sobejana kasabay ng Provincial Peace and Order Council meeting sa Provincial Capitol ng North Cotabato sa Brgy Amas Kidapawan City.
Hindi na welcome ang mga teroristang NPA sa probinsya sa Cotabato kaya hindi na ito dapat suportahan at tangkilikin.
Dumalo rin sa PPOC meeting sina PNP-12 Regional Director,Bregadier Geneal Eliseo Tam Rasco at Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Arnel dela Vega.
Tinawag na isang malugod na pag-unlad para sa lahat ng sektor ang pagkakadeklara sa mga rebelde bilang persona non grata.
Layunin nitong malabanan ang insurhensya sa probinsya ng Cotabato at ibang lugar sa Central Mindanao.
Nabatid na ang CPP-NPA Guerilla Fronts 72 at 73 ay kumikilos sa North Cotabato, partikular sa mga bayan ng Arakan, Antipas, President Roxas, Magpet, Kidapawan City, Tulunan at Makilala.
Matatandaan na unang idineklara ang CPP-NPA na mga terorista ng mga bansang Estados Unidos, Europa, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand at Pilipinas.