-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng Fortunato Camos Command ng New People’s Army (NPA) Cagayan Valley ang paratang na sila ang nagsunog sa mga vote counting machines (VCM) at mga balota sa Jones, Isabela.
Binatikos ng tagapagsalita ng grupo na si Guillermo Alcala ang paratang sa kanila ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.
Sila aniya ang agad na sinisisi para lamang pagtakpan ang umano’y kapabayaan ng mga otoridad.
Bagama’t hindi raw sila naniniwala sa hangarin ng pagdaraos ng halalan, iginagalang umano nila ang posisyon dito ng mga mamamayan.
Ito ang dahilan aniya kung bakit hindi sila nagsasagawa ng anumang hakbang na makakasira sa boto ng mga mamamayan.