-- Advertisements --

LA UNION – Wala umanong katotohanan ang lumalabas na NPA sighting sa bulubundokin bahagi ng San Juan, La Union.

Ito mismo ang kinumpirma sa Bombo Radyo La Union ni Police Capt. Gerardo Macaraeg, chief of police ng San Juan Police Station.

Ayon kay Capt. Macaraeg, wala umano itong katotohan dahil sa sila mismo ay nagsagawa ng pagsisiyasat hinggil dito.

Una rito, lumabas sa isang post sa social media kung saan meron umanong mga aramadong lalaki na palakad-lakad sa nasabing bayan kung saan ikinabahala ito ng mga residente.