Hinimok ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko na maging “responsable” kapag nagbabahagi ng mga larawan at video online na naglalaman ng personal na impormasyon.
Ang advisory ay batay sa Republic Act No. 10173 na kilala rin bilang Data Privacy Act of 2012 (DPA).
Ayon sa batas na ito, ang pagpoproseso o pagbabahagi ng mga larawan at video na naglalaman ng personal na impormasyon ay dapat na may legal na batayan.
Gayundin na sumunod sa pangkalahatang mga prinsipyo ng data privacy ng transparency, at lehitimong layunin.
Samantala, binigyang-diin ng komisyon ang mga panganib na nauugnay sa pagbabahagi ng personal na impormasyon, lalo na ang mga naglalaman ng sensitibong impormasyon.
Ang pagbabahagi ng sensitibong content online ay maaaring maglantad sa mga indibidwal sa cyberbullying,
Noong Nobyembre 2023, ang Pilipinas ay na-tag bilang nangungunang bansa na may pinakamataas na rate ng scam sa 11 bansa sa Asya.