-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission (NPC) ang 93 lending apps dahil sa reklamo ng mga users nito.
Sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro, na titignan nila kung may paglabag sa data privacy ang nasabing lending apps.
Ilan sa mga nakarating reklamo sa kanila ay ang pagpapahiya ng mga users na hindi nakapagbayad ng utang sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages na nasa contact list nito.
Hindi aniya tama ang ginagawang pagpapahiya ng mga apps para lamang makapagbayad ng utang.