-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission (NPC) na mayroong 879,599 Facebook accounts ng mga Pilipino ang nakompromiso at kasama sa large-scale data breach na apektado ang 533 milyong Facebook users.

Ayon sa NPC, ang nakompromiso a7 mga phone numbers, pangalan, lokasyon, email address at biographical information ng isang Facebook user.

Kumakalap na ng ibang impormasyon ang NPC sa Philippine Data Officer ng Facebook sa nasabing usapin.

Pinayuhan din ng NPC ang mga Facebook users na maging maingat lagi sa paggamit ng social media.