-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) sa nangyaring cyber-attack sa S&R Membership Shopping.

Ayon sa NTC natanggap nila ang breach notification sa nasabing kumpanya noong Nobyembre 15.

Base na rin sa ulat na isinumite sa kanila ng kumpanya na nakumpromiso ang mga personal data ng nasa 22,000 nilang mga customers.

Pinayuhan rin ng NPC ang kumpanya na ipaalam sa kanilang mga customers ang nangyari para agad na maagapan ng mga biktima.