-- Advertisements --
Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) , na maging maingat sa pagpapakalat ng mga video ng mga kabataan lalo sa mga nagpapatuli.
Kasunod ito sa pagkalat sa social media ng isang bata habang sumasailalim sa pagpapatuli.
Ayon sa NPC na maaring magdulot sa cyberbullying sa bata at nabubunyag ang privacy ng nasabing mga biktima.
Hindi lamang nalalabag ang kanilang privacy at ito ay may negatibong psychological effect.
Pagtitiyak naman ng NPC na may mahigpit na polisiya ang mga social media sa mga napopost ng mga sensitibong bagay.