Naglabas na ng kautusan ang National Privacy Commission (NPC) para sa mga online lending companies.
Kasunod ito sa reklamong natatangap nila dahil sa paggamit ng mga personal na impormasyon ng kanilang kliyente.
Nakasaad sa kautusan na papayagan lamang ang mga online companies na kumuha ng mga personal data ng kanilang kliyente para gamitin kung sila ba ay papasa para maka-utang.
Ipinagbabawal din sa kautusan ang pagkuha ng mga contact details gaya ng phone contacts at mga email list.
Magugunitang halos 30 mga online lending companies ang ipinasara dahil sa pagpapahiya at pananakot sa mga kliyente nilang hindi nakakapagbayad ng utang sa tamang oras.
Modus ng nasabin mga kumpanya ang pangtext sa mga kakilala at kamag-anak ng mga nagrereklamo at ipaalam ang kanilang hindi nababayarang utang.