Umapela sa publiko ang National Parks Development Committee (NPDC) para sa kalinisan sa mga parke, isang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Inaasahan kasing bubuhos ang mga mamamasyal sa Rizal Park at iba pang pook pasyalan.
Nabatid na maliban sa nakagawiang flag raising ceremony bukas na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mayroon ding Independence Day Job Fair at sa gabi ay mayroon pang concert ng ilang kilalang banda at maging ng girl group na BINI.
Ayon kay NPDC Executive Director Cecille Lorenzana-Romero, mahalagang maingatan ang mga parke dahil sumasalamin ito sa ating kultura at disiplina.
Base sa datos ng NPDC, nasa 20,000 ang namamasyal sa Rizal Park kada araw.
Habang umaakyat pa ito sa 30,000 tuwing Sabado at Linggo, samantalang halos 50,000 kapag may mga concert at iba pang aktibidad.
Panawagan ng opisyal, anumang bagay na bitbit sa pagpunta sa parke ay dapat ding dahil sa pag-uwi upang maiwasan ang kalat na maaaring makasira sa kagandahan ang lugar.
Maging sa ibang pasyalan ay mahalagang mapanatili ang disiplina, maging ito man ay sa gilid ng dagat, kalsada at iba pa na pinupuntahan ng mga tao.