-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nanawagan ang grupong National Parent Teacher Association (NPTA) sa mga School Division Offices ng Department of Education na magpadala ng mga medical team sa mga paaralan ngayon na balik na ang face-to-face classes.

Sa panayam Bombo Radyo Legazpi kay NPTA President Lito Sinieto, ikinalungkot nito na karamihan sa mga paaralan ay hindi naman nakakasunod sa ipinatutupad na mga health protocols partikular na ang social distancing.

Siksikan rin sa loob ng mga klasrum kung saan umaabot sa 60 ang mga mag-aaral sa isang kwarto.

Dahil dito, kailangan umanong magkaroon ng medical team ang DepEd na regular na magsasagawa ng monitoring sa mga paaralan.

Umaasa ang grupo na masusunod ang nasabing panawagan lalo pa at patuloy pa rin ang mga naitatalang kaso ng COVID 19 sa bansa habang karamihan sa mga paaralan ay hindi na nakakapagsagawa ng disinfection.