-- Advertisements --

Sinuportahan ni National Security Adviser Eduardo Año ang plano ng Department of Agriculture na pagdedeklara ng food security emergency para matugunan ang tumataas na presyo ng bigas sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Año na mahalaga ito sa national security kung saan ang food security ay isa sa mga pangunahing component ng 15-point National Security Agenda.

Ito ay nakapaloob aniya sa 2024 National Security Strategy (NSS) ng Marcos administration.

Ayon kay Año, susuportahan ng National Security Council ang anumang hakbang ng DA para matugunan ang mataas na presyo ng bigas at iba pang pangunahing commodities sa bansa.

Hinimok din ni Año ang pribadong sektor na makipag-cooperate sa hangarin ng gobiyerno na gawing mas abot-kaya ang mga basic commodities para sa mga konsyumer.

Sa ilalim ng Republic Act 12708 o Agricultural Tariffication Law, may kapangyarihan ang kalihim ng DA na magdeklara ng food security emergency kung may ‘extraordinary increase’ sa presyo ng bigas o kung may malawakang kakulangan ng stock ng bigas sa bansa.