Kapwa siniguro ng National Security Council (NSC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayruon silang epektibong counter intelligence laban sa mga umanoy banyagang espiya na nag-ooperate sa Pilipinas.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na effective ang counter intelligence efforts ng gobyerno laban sa mga foreign spies na nasa bansa.
Reaksiyon ito ni Malaya matapos mabunyag sa Quad Comm hearing na nagsasabi na may Chinese sleeper agents ang nag-ooperate sa Pilipinas.
Inihayag naman ni Malaya na kanila pang i-validate ang ibinunyag ng isang self-confessed MSS agent na si She Zhijiang lalo at ang nasabing indibidwal ay isang wanted criminal.
Giit pa ni Malaya na posible din isa itong disinformation operation kata nararapat lamang na mai- validate.
Tumanggi naman mag komento si Malaya kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ni Alice Guo sa operasyon ng mga Chinese spies sa bansa.
Sa kabilang dako, siniguro naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na in-place ang kanilang contingency plans kaugnay sa operasyon ng mga banyagang espiya sa bansa.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ginagawa ng kanilang Intelligence community ang kanilang trabaho sa pagkuha ng mga impormasyon sa operasyon ng mga foreign spies sa Pilipinas.
Siniguro naman ng AFP na kanilang ipinapatupad ang kanilang mandato upang di mapahamak ang national security ng bansa.