-- Advertisements --
Kinumpirma ni National Security Council (NSC) Assistant Director General at Spokesperson Jonathan Malaya na naiparating na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nadiskubreng floating barriers sa may Bajo de Masinloc sa West PH Sea.
Ang Chinese vessels ang naglagay ng floating devices sa lugar na nagbunsod ng pagkondena mula sa mga mambabatas.
Paliwanag din ng NSC official na palagi aniyang ipinaparating kay PBBM ang lahat ng pangunahing pangyayari sa Bajo de Masinloc, Ayungin shoal at sa buong Kalayaan group of island dahil siya ang punong ehekutibo ng bansa.
Sa ngayon, inaantay na lamang NSC ang magiging tugon ng Pangulo sa inihandang report ng konseho.