-- Advertisements --

Binigyang-diin ng National Security Council (NSC) na pag-aari ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc, at bahagi ito ng teritoryo ng bansa.

Sa isang pahayag, iginiit ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na hindi lamang basta bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang naturang bahura kungdi parte ito ng teritoryo ng Pilipinas.

Paglilinaw ni Malaya, kung bahagi lamang ng EEZ, tanging economic rights lamang ang maibibigat sa Pilipinas habang kung bahagi ito ng teritoryo ng bansa ay maaaring gawin ng pamahalaan ang lahat ng karapatan na nakalaan sa ilalim nito.

Bilang isang teritoryo ng bansa, mayroon din aniya itong sampung kilometro na teritorial sea na maaaring mapatrolyahan ng pamahalaan, at mapuntahan ng mga mangingisdang Pinoy.

‘Bajo de Masinloc is Philippine territory because if you say EEZ (Exclusive Economic Zone) what we only have there are economic rights, the rights utilized the resources that are found in the sea but in the special case of Bajo de Masinloc it is Philippine territory therefore it generates ten nautical mile territorial sea, therefore the Philippines exercises sovereignty over it,’ pahayag ni Malaya.

Ang Bajo de Masinloc ay kilala rin sa tawag na Scarborough Shoal, isang bahura na may perimeter na 46 kms.

Ito ay matatagpuan sa layong 198 km sa kanluran ng Subic Bay sa Zambales.