Nagbabala ang National Security Council (NSC) na posibleng tangkaing mangialam ang foreign entities sa 2025 midterm elections.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, tumataas ang foreign maligned interference operations sa bansa.
Aniya, kabilang sa naturang mga aktibidad ang hacking ng websites at social media accounts ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ang pahayag na ito ng NSC official ay kasunod ng babala ng Malacañang kaugnay sa isang video na kumalat online na naglalaman ng manipuladong audio clip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na naguutos umano sa militar na kumilos laban sa dayuhang bansa.
Una naman ng itinanggi ng Presidential Communications Office ang naturang video at nilinaw na walang ganoong direktiba si PBBM at ang naturang audio ay nilikha gamit ang generative artificial intelligence.
Samantala, nananawagan naman ang NSC official para sa whole of nation approach kung saan lahat ng ahensiya ng gobyerno ay dapat na magtulungan para mapreserba ang integridad ng mga halalan sa bansa.