-- Advertisements --

Suportado ng pamunuan ng National Security Council ang Department of Agriculture matapos itong magdeklara ng Food Security Emergency for Rice.

Layon ng naturang deklarasyon na gawing abot kaya ang presyo ng bigas sa Pilipinas.

Sa isang pahayag ay sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año, pinagtutuuan ng administrasyong Marcos Jr. ang mga usapin sa pagkain na kabilang sa 15-point agenda nito.

Ayon kay Año, kahit na bumaba ang presyo ng bigas sa world market ay mandato pa rin ng DA na gawin ito.

Hinikayat rin nito ang namumulitika at mga pangunahing nakikinabang sa sobra-sobrang kita na unahin ang Pilipinas bago ang kanilang mga sariling interes.

Sa ilalim ng deklarasyon ng Food Security Emergency for Rice, maoobliga ang NFA na maglabas ng kanilang mga buffer stock sa merkado upang bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.