-- Advertisements --

Tiniyak ng National Security Council (NSC) na naka bantay sila sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pag aresto at pagdiriwang ng ika-80th birthday ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bukas, March 28,2025.

Ayon kay National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya wala silang natatanggap na intelligence report na mayruong banta sa seguridad.

Gayunpaman sinabi ni Malaya na naka monitor ang intelligence community maging ang PNP at AFP.

Sinabi ni Malaya hindi naman pinababayaan ng security sector ang pagbabantay sa seguridad na layong masiguro ang kapayapaan at stability ng bansa.

Sa kabilang dako, siniguro naman ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang suporta sa Philippine National Police sa pagpapatupad ng kapayapaan sa bansa.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff LtGen. Jimmy Larida mandato ng sandatahang lakas ng Pilipinas na suportahan ang pambansang pulisya sa pagtupad sa kanilang law enforcement operation.

Siniguro ng heneral na may mga ginagawa din silang hakbang para mapanatili ng kapayapaan sa bansa subalit tumanggi itong idetalye.

Inihayag din ni Larida na sa kabila ng mga ingay ngayon sa pulitika nananatiling propesyunal at non-partisan ang AFP.

Aniya, patuloy din na pina-alalahanan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang mga sundalo na gawin ang kanilang mandato na maging tapat sa kanilang sinumpaang trabaho.

Siniguro ni Larida na nananatiling matatag at nagkakaisa ang AFP.