Nanindigan ngayon ang National Security Council na karapatan ng Pilipinas na tanggalin ang mga inilatag ng china na boya sa karagatang bahagi ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, ang naturang lugar ay bahagi pa rin ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas na bahagi ng fishing ground ng mga mangingisdang Pilipino.
Ayon kay Malaya, karapatan ng Phil Coast Guard na tanggalin ang mga naturang boya, dahil maliwanag ang paliwanag ng United Nations Convention on the Law of the Seas na sakop ng Pilipinas ang naturang karagatan.
Maalalang unang napaulat ang paglalagay ng China ng mga floating barrier sa naturang lugar, noong Setyembre-22, 2023.
Agad naman itong binatikoy ng mga opisyal ng Pilipinas, kasama na ang ibat ibang mga ahensiya ng pamahalaan, kasama ang BFAR, DFA, PCG, at iba pa.
Ilang araw matapos mamataan ang mga inilagay na boya, tinanggal na rin ng PCG ang mga ito, dahil na rin sa umanoy panganib na dulot nito sa mga mangingisdang Pilipino.