Pag-aaralan pa ng mabuti ng National Security Council ang documentary ng international media network kung saan nabanggit na di umano’y spy ng China si Alice Guo o Guo Hua Ping.
Ayon kay NSC Asst. Director General Jonathan Malaya, iva-validate nila ang sinabi ni She Zhijiang kung saan ikokonsulta rin nila ito sa kanilang mga partner intelligence agencies abroad upang mapag tagp-tagpi ang istorya at malaman ang totoong pagkatao ni Alice Guo.
Maaalalang sa quad comm hearing kamakailan, ipinakita ni Davao Oriental Representative Cheeno Almario ang docu tungkol sa kaso ng self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang, na tahasang itinuro si Guo Hua Ping na kasama nitong spy ng China.
Dagdag pa ni Malaya hindi raw nila pwedeng basta paniwalaan ang iisang report, lalo’t nahaharap rin sa extradition charges si She Zhijiang.
Posible raw kasing disinformation campaign lang ito sa parte ni She Zhijiang para makakuha sya ng atensyon at simpatya mula sa international public upang hindi sya ma-extradite pabalik sa China.
Kaya kailangan daw maging maingat ng NSC sa pag determina kung totoo ang sinasabi nito o nandadawit lang ng iba.
Maituturing na rin daw kasing sikat ang isyu ni Alice Guo dahil maging ang mga international publication ay interesado na rin sa kanyang istorya.