Ikinatuwa ng pamunuan ng National Security Council ang nakuhang suporta mula sa publiko hinggil sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno para ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa pinag-aagawang bahagi ng karagatan sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag ay sinabi ni National Security Adviser, Secretary Eduardo Año, patunay lamang aniya ito na nagkakaisa ang mga Pilipino sa iisang layunin para ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas sa naturang rehiyon.
Ang pahayag na ito ay ginawa ni Año bilang tugon sa survey ng OCTA Research kung saan umabot sa 84% na mga Pilipino ang nagpahayag ng suporta sa effort ng pamahalaan sa West Philippine Sea.
Giit ng opisyal ang ganitong hakbang ng pamahalaan ay salig lamang sa umiiral na Philippine Maritime Zones Law Philippine Archipelagic Sea Lanes Law.
Bukod dito ay nakabatay rin ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at ang pagkakapanalo ng bansa sa 2016 Arbitration laban sa bansang China.