Mariing itinanggi ng National Task Force West Philippine Sea ang pahayag ng Chinese Foreign Minister na sumakay ang mga tauhan ng China Coast Guard at ininspeksyon ang barko ng Pilipinas na nagsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
Sa pahayag ng National task Force West Philippine Sea (WPS) kailanman hindi hihingi ng pahintulot ang Pilipinas sa China lalo na sa pagsasagawa ng resupply missions sa Ayungin Shoal.
Batay sa ulat ng task force, kitang kita ang presensiya ng mga barko ng China kabilang ang apat na Chinese Coast Guard at tatlong Peoples Liberation Army-Navy vessels at dalawang barko ng Chinese Maritime Militia vessels.
Habang ginaganap ang RORE mission napanatili ng mga Chinese vessels ang kanilang distansiya dahilan na naging matagumpay ang rotation and resupply mission.
Walang katotohanan na sumakay sa barko ng Pilipinas ang mga Chinese Coast Guard personnel batay sa naging pahayag ng Chinese Foreign Ministry.
” Notwithstanding the “provisional understanding” with the PRC, the position of the Philippines is steadfast, unwavering and has not changed.”
Ang Ayungin Shoal ay isang low tide elevation at hindi subject sa sovereignty claims ng China batay sa 2016 ruling ng Arbitral Tribunal dahil nakapaloob ito sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ibig sabihin ang presensiya ng Pilipinas sa nasabing lugar ay legal na naaayon sa international law lalo na sa UNCLOS.
Siniguro naman ng Pamahalaan na ipagpatuloy nito na igiit ang maritime rights ng bansa.
Ang AFP ang nanguna sa nasabing misyon sa pakikipag tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) na siyang nag escort sa civilian vessel ang MV Lapu-Lapu na kinontrata para magdala ng mga supply.
Pumayag ang Pilipinas sa isang “provisional understanding” sa Peoples Republic of China hinggil sa resupply missions na layong bawasan ang tensiyon at maiwasan ang anumang hindi pagkaka-unawaan at miscalculations.
“The guidance of the Presidente is clear, the Philippines is committed to the caus of peace bbut we will not be deterred nir will we yield.”
Samantala, maituturing na tagumpay ang isinagawang rotation and resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea kahapon July 27, 2024.
Ang AFP ang nanguna sa nasabing misyon sa pakikipag tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) na siyang nag escort sa civilian vessel ang MV Lapu-Lapu na kinontrata para magdala ng mga supply.