Titiyakin ng National Security Council (NSC) na masusunod ang mga probisyon ng kasunduan na nilagdaan ng National Grid Corporation (NGCP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kaugnay sa power transmission assets.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, sa pamamagitan ng MOA ay mapoprotektahan ang bansa laban sa anumang banta ng hacking habang tinatahak ang energy security.
Dagdag ni Malaya, walang dapat ikabahala ang publiko dahil bagaman ka-partner dito ang bansang China, ito ay pinatatakbo na ng mga Filipino citizen.
Aniya sa ilalim ng MOA, ang NICA ang siyang mag-iintegrate ng intelligence information mula sa iba’t ibang government instrumentalities habang ang intelligence agency rin ang magbibigay sa power grid ng impormasyon para suportahan at ingatan ang transmission asset kasama ang pagpapalakas ng cyber security capability.