Tinawag ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na “scare tactics” ng China ang kanilang bagong detention policy sa West Philippine Sea na layong mang intimidate at manakot.
Dahil dito hinikayat ng National Security Council o NSC ang mga Pilipinong mangisda na huwag mabahala hinggil sa bagong polisiya ng China Coast Guard at ituloy lamang ang pangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Malaya, na huwag magpasindak sa bagong polisiya ng China at patuloy lang na itaguyod ang ating karapatan, dahil alam anya ng buong mundo na parte ng ating exclusive economic zone ang West Philippine Sea.
Sa kabilang dako, ipinag utos na rin daw ni Pangulong Bongbong Marcos sa Philippine Coastguard at sa Philippine Navy na paigtingin ang presensya sa WPS.
Ito ay upang masiguro na sakaling totohanin ng China ang kanilang banta, ay may agad na tutulong at sasaklolo sa mga mangingisda.