-- Advertisements --

Naghain ng guilty plea ang singer na si Justin Timberlake dahil sa kasong pagmamaneho habang nasa impluwensiya ng alak.

Dahil dito ay tinanggap ng Judge ng Sag Harbor ang kaniyang guilty plea kung saan sasailalim siya ng 25 oras na community service sa loob ng isang taon at magbabayad ng $500.

Pinasalamatan din ng judge ang singer dahil sa pagiging tapat nito.

Ang kaniyang drivers license naman ay suspendido ng 90 araw sa New York State.

Una rito ay inamin ng singer na nakainom ito noong nahuli siya ng mga kapulisan noong Hulyo.