-- Advertisements --

Suportado ng National Tabacco Administration (NTA) ang mas mahigpit na kampaniya kontra sa bentahan ng mga iligal na tabacco at vape products na siyang talamak sa bansa.

Ayon kay NTA Administrator at Chief Executive Officer Belinda Sanchez, mahalaga ang pagkakaroon at paglalatag ng mas komprehensibong inisyatibo para mas mabilis na mabawasan ang epekto ng illegal trading at para na rin matiyak na patas ang nagiging kalakaran sa industriya ng tabacco.

Pinalakas din ng ahensya ang regulatory functions ng kanilang pamunuan para agad na malagyan ng katapusan ang iligal na manufacturing at trading sa loob ng bansa.

Samantala, nagsagawa naman ng kampaniya ang ahensya sa pamamagitan ng posters, webinars at forums para mas mabigyan ng mas malawak na kaalaman ang publiko tungkol dito.