-- Advertisements --

Pinangunahan ng National Tobacco Administration ang pagbubukas ng buying stations sa mga tobacco products.

Ayon sa ahensya, ito ay para sa cropping season 2024 – 2025.

Dahil ito, sisimulan na ang trading operations ng Virginia Tobacco matapos ang opisyal na pagbubukas.

Iniulat rin ng National Tobacco Administration na partikular nilang binuksan ang buying stations sa Region 1 at sa lalawigan ng Abra.

Sa isang pahayag ay sinabi ni NTA Administrator at CEO Belinda Sanchez, tiniyak nito ang kapasidad ng mga binuksan trading stations.

Ayon kay Sanchez, nasuri na nila ng mabuti ang mga trading equipment at maging ang pasilidad ng pinakamalaking tobacco trading outlet sa lalawigan ng Ilocos Region.

Una nang sinimulan ng mga tobacco farmers ang pagdadala ng kanilang mga tobacco products sa mga trading centers noong nakalipas na taon.