-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Ang National Telecommunications Commission (NTC) Region 12 sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumumo ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ay magsasagawa ng isang araw na libreng SIM Registration Assistance ngayong araw Pebrero 14, 2023.
Ito ay gaganapin sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City mula umaga hanggang hapon.
Mga dapat dalhin:
✅ Valid Government ID (18 yrs old. and above)
✅ Active SIM (Smart, TNT, Sun, Globe, TM, GOMO at DITO)
✅ Functional Phone (Keypad or Touch Screen)
Pinapaalalahanan ang lahat na ang aktibidad ay para sa lahat ng mga Cotabateños.