Nagbabala ngayon ang National Telecommunications Commission XI sa publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap na nanghihingi ng pera at biktima ng sunog sa Piapi Boulevard Davao city nitong Sabado. Ayon sa regional director ng tanggapan na si Nelson Canete, madalas itong ginagawa online para samantalahin ang kahirapan ng iba. Ito ay kasunod ng isang post sa social media na nagpapanggap na biktima ng nabanggit na sunog ngunit napatunayang scam lamang ito.
Kaya naman, nagbabala ang opisyal sa publiko na huwag maakit sa mga post sa social media na magpadala ng tulong sa kanilang e-wallet account, lalo na kung sila ay mga estranghero.
Ayon sa opisyal, huwag kalimutan na dapat ding ma-verify at matukoy ang humihingi ng monetary assistance.
Para kay Canete, ang pinakaligtas na paraan para matulungan ang mga biktima ng sunog ay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at mga verified organization tulad ng pagpunta sa mga evacuation center kung saan inililikas ang mga biktima.
Ayon naman sa unang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Davao, walang nasugatan sa Piapi Fire incident maliban sa mga tauhan ng fire truck matapos itong maaksidente malapit sa Davao coastal road habang ito ay rumesponde sa sunog.