Iginiit ng National Telecommunications Commission (NTC) na pinal na ang tatlong buwang extension ng SIM card reghistration at hindi na masusundan pa.
Ginawa ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan ang pahayag kasunod ng isinagawang cabinet meeting sa Malacanang nang matanong sa posibilidad ng ikalawang extension ng SIM card registration period.
Pinaalalahanan din ni Salvahan ang publiko na ang mga hindi pa nakarehisrong sim card ay awtomatikong madedeactivate sa oras na magpaso na ang deadline sa Hulyo 26, 91 araw matapos ang orihinal na deadline.
Aniya, sa Hulyo 26 ang mga unregistered sim cads ay agad na mawawalan ng access sa call and text services at e-wallets.
Una ng nagbabala ang Department of Information and Communications Technology sa unti-unting pagkawala ng access ng hindi pa rehistradong SIM card sa telco services.