-- Advertisements --
Inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng mga public telecommunications entities na maghanda para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Sa isang memorandum na pirmado ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, pinatitiyak ng ahensya sa mga telcos na siguruhing may sapat na bilang ng technical and support personnel, maging mga standby generators sa mga lugar na dadaanan ng naturang bagyo.
Maliban dito, inatasan din ang mga telco firms na i-preposition na ang mga mobile cellsites sa mga apektadong rehiyon at dapat ay ready for deployment na ito anumang oras.
Nagpaalala din ang NTC na dapat ay magsumite ang mga ito ng report sa komisyon ng status ng kani-kanilang network at mga pasilidad.