Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunication entities na maghatid ng uninterrupted services o tuloy-tuloy na serbisyo sa halalan bukas, Mayo 13.
Inoobliga rin ang mga Telcos na mag-deploy ng sapat na operasyon at maintenance personnel para masiguro ang 99.99 percent network availability and reliability.
Inaatasan din ang mga Telcos na magsagawa ng adjustments at maintenance para matiyak na handa ang mga networks na i-accommodate ang inaasahang pagtaas ng gagamit ng mobile services sa araw ng halalan sa Mayo 13, 2019.
Binigyan-diin pa ng NTC na dapat bigyan prayoridad na serbisyo ang Commission on Election (Comelec).
Matatandaang una nang siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde sa publiko sa katatapos na paglulunsad ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) na ang mobile signals sa mga police station areas ay malakas.
Sabi pa ni Albayalde, hindi tulad dati, ngayon ay makapagpapadala na an mga pulis ng videos at pictures sa sitwasyon sa polling centers para sa mas maayos na monitoring purposes.