Ipinag-utos na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilis na pagbabalik ng communication services na apektado ng hagupit ng bagyong Kristine.
Sa inilabas na memorandum ng ahensiya, inatasan nito ng public telecommunications entities naa gumawa ng mga hakbang para matiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo sa mamamayang Pilipino sa panahon ng kalamidad.
Inutos din ng telco regulator sa naturang mga telco entity na magbigay ng sapat na personnel, standby gnerators na may extra fuel, kailangang tools at spare equipment sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Pinatitiyak din ng ahensiya ang mabilis na pagsasaayos at pagpapanumbalik ng mga serbisyo sakali mang maapektuhan ng bagyo.
Pina-activate din ang Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Sa ulat nga mula sa mga public telco entities, nakkaranas ng service outges sa mga probinsiya sa Bicol region at Eastern Visayas.
Nagkaroon din ng telecommunication service outages sa CALABARZON at Northern Luzon.